|
||||||||
|
||
Kalat na kalat at naging popular kamakailan ang mga litrato ng pamilya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang First Lady na si Peng Liyuan.
Si Peng (sa kaliwa) kasama ang anak na si Xi Mingze at si Pangulong Xi na itinutukak ang wheel chair ng amang si Xi Zhongxun
Kaugnay ng pamilya, nang kapanayamin siya noong 2007 ng Zhanjiang Wanbao, isang diyaryong lokal ng Tsina, sinabi ni Peng na bilang babae, kapuwa mahalaga para sa kanya ang karera at pamilya. Pero, hindi niya maunawaan kung magpapahalaga lamang sa karera at iiwanan ang pag-aalaga sa pamilya at anak. Ipinagdiinan niyang ang pamilya ay parang payapa at maaasahang daungan niya. Idinagdag pa niyang ang kanilang pamilya ni Xi ay isang karaniwan at masayang pamilya na tulad ng iba pang pamilya ng mga mamamayang Tsino.
Kapuwa itinuturing nina Xi at Peng na naka-ugat sila sa kanayunan. Si Peng ay isinilang sa Nayong Peng sa lalawigang Shandong noong 1962. Si Xi naman ay isinilang noong 1953 at ang Lalawigang Shaanxi ay ang kanyang lupang tinubuan. Noong katapusan ng 1960s at unang dako ng 1970s, nagtrabaho siya sa Nayong Liangjiahe sa Yanchuan County ng Lalawigang Shaanxi bago siya pumasok sa Tsinghua University noong 1975.
Si Peng kasama ang isang performing troupe
Si Peng habang kumakanta sa palabas bilang pagdiriwang ng Pambansang Araw
Bago nagkakilala sina Xi at Peng noong 1986, sikat na sikat na si Peng sa buong Tsina bilang pambansang mang-aawit. Ang may talentong mang-aawit ay nagtapos sa China Conservatory of Music. Samantala, si Xi ay anak ni Xi Zhongxun, Dating Premyer ng Tsina.
Si Peng karga ang anak na si Xi Zeming
Sa Fuzhou, kabisera ng Lalawigang Fujian, ipinapasyal ni Xi sakay ng bisikleta ang anak na si Xi Mingze
Si Peng kasama ang anak na si Xi Zeming sa Moutain Hua sa Lalawigang Shaanxi
Isinasal sina Xi at Peng noong 1987. Isinilang ang kanilang anak na si Xi Mingze noong 1992.
Salin/editor: Jade
Proof-reading: Machelle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |