|
||||||||
|
||
Sa kanyang unang inspeksyong panloob sa taong 2015, bumisita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ludian County sa lalawigang Yunnan na niyanig ng 6.5 magnitude na lindol noong Agosto, 2014. Sinuri niya ang mga proyekto ng rehabilitasyon at binisita ang mga mamamayang apektado ng nasabing kapahamakan.
Ipinangako niyang ang pamahalaang sentral at lokal ay tumutulong at tutulong sa kanila para maitayo muli ang mas magandang tahanan.
Sa kabilang banda, bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, mayroon pa ring 92 milyong mahihirap na mamamayan ang Tsina. Kaya, muling ipinagdiinan ni Xi ang pangangailangan ng pagpawi ng kahirapan ng bansa sa taong 2020.
Bumisita rin si Pangulong Xi sa Drung-Nu Autonomous County ng Gongshan sa Kunming, kabisera ng Yunnan.
Ang Drung ethnic group na may humigit-kumulang 6,900 populasyon ay isa sa pinakamaliit at pinakamahirap na grupong etniko ng Tsina.
Binigyang-diin ng Pangulong Tsino na dapat walang maiwan sa lahat ng 56 na grupong etniko ng bansa sa pambansang kaunlaran.
Hinikayat ni Xi ang Yunnan na nagsisilbing lupang-tinubuan ng marami sa 56 grupng etniko ng bansa na maging huwaran ng bansa para sa pagkakaisa at kaunlarang etniko.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |