Kahapon, sa Kuala Lumpur, nakipagtagpo si Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia, kay Meng Jianzhu, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinahayag ni Najib Tun Razak na lipos siya ng kompiyansa sa kinabukasan ng pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia, umaasa siyang palalakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, turismo at iba pang larangan, palalawakin ang saklaw ng kalakalan, palalalimin ang kooperasyong pinansiyal, palalakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagpapatupad ng batas at seguridad, para walang humpay na pataasin ang lebel ng kooperasyon ng Tsina at Malaysia sa iba't ibang larangan.
Sinabi ni Meng Jianzhu na aktibong kakatigan ng Tsina ang Malaysia bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, at umaasa rin ang Tsina na pabubutihin ng Tsina at Malaysia ang pagtitiwalaang pampulitika, palalawakin ang aktuwal na kooperasyon , at kakatigan ang isa't isa sa mga isyu na may kinalaman sa mahalagang interes ng bansa.
Salin:Sarah