Kinatagpo ngayong araw sa Great Hall of the People ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia.
Tinukoy ni Pangulong Xi na sa kasalukuyang taon, magkasamang ipinagdiwang ng Tsina at Malaysia ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Dapat aniyang pasulungin ng dalawang bansa ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership.
Ipinahayag naman ni Najib ang pag-asa ng panig Malay na mapapalakas ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa. Aniya, lubos na pinapurihan ng panig Malay ang talumpating ibinigkas ni Pangulong Xi sa seremonya ng pagbubukas ng 2014 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit.
Salin: Li Feng