Nagtagpo kahapon sa Bo'ao, lalawigang Hainan ng Tsina sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng pamahalaang Tsino, at Tanasak Patimapragorn, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, at Ministrong Panlabas ng bansang ito.
Sinabi ni Yang na nakahanda ang kanyang bansa na patuloy na panatilihin, kasama ng Thailand, ang mahigpit na pagpapalagayan ng dalawang bansa sa mataas na antas, pagpapahigpit ng kooperasyon sa daambakal at agrikultura, at pagpapasulong ng konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" (One Belt One Road).
Ipinahayag naman ni Tanasak Patimapragorn na patuloy na pasusulungin ng Thailand ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at pagpapahigpit ng kooperasyon sa kabuhayan at negosyo.
Dagdag pa niya, aktibong lalahok ang Thailand sa konstruksyon ng "One Belt One Road."
Ang taong 2015 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand; kapwa nila ipinahayag na idaraos ang mga aktibidad bilang pagdiriwang para rito.