Isang pahayag ang inilabas kagabi ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), para matinding kondenahin ang pambobombang nanagap kahapon sa lunsod ng Jalal Abad sa dakong Silangan ng Afghanistan.
Nakidalamhati si Ban sa pamahalaan ng Afghanistan at mga kamag-anak ng mga nasawi. Bukod dito, nanawagan siya sa lahat ng mga Afghani na magtulungan para labanan ang terorismo at ekstrimismo.
Di-kukulangin sa 35 katao ang nasawi sa naturang insidente at mahigit isang daan ang nasugatan.