Sinabi ngayong araw sa regular na preskon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga proyekto ng konstruksyon sa mga isla at reef sa South China Sea (SCS) ay nasa loob ng teritoryo ng bansa.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na ang pagtatatag ng imprastruktura sa nasabing mga isla at reef ay para makatugon sa pangangailangang militar, lalong lalo na sa pangangailangang sibil. Idinagdag pa niyang magbibigay din ang mga ito ng tulong sa mga bapor ng Tsina at ibang bansa na dadaan sa SCS.