"Ipagpapatuloy pa rin ng Amerika ang paraang diplomatiko sa isyu ng South China Sea." Ito ang ipinahayag kahapon ni Daniel Russel, Asistanteng Kalihim ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa isang panel ng Kongreso hinggil sa situwasyon sa South China Sea at East China Sea.
Sinabi ni Russel na ang kasalukuyang estratehikong target ng Amerika ay naglalayong lumikha ng kondisyon para lutasin ang nasabing isyu sa pamamagitan ng paraang diplomatiko. Umaasa aniya ang Amerika na magtitimpi ang mga may-kinalamang panig, isasagawa nito ang mga responsableng aktibidad para iwasan ang posibilidad na maganap ang dahas.
Salin: Wang Tao