|
||||||||
|
||
1. Bayan ng mga maliit na tao
Ang bayan ng mga maliit na tao ay nasa lunsod ng Kunming, probinsyang Yunnan ng Tsina. Ang lahat ng residente sa bayang ito ay hindi lampas sa taas na 130 sentimetro. Ang kanilang mga bahay ay hitsurang kabute at nagsusuot din sila ng cotume ng duwende para maakit ng mas maraming turista. Sabi ng tagapagsalita ng bayan: dahil maliit kami, madalas kaming bisitahin ng ibang tao. Pero, sa aming bayan, ginagawa naming ang lahat ng bagay para sa aming sarili.
2. Bayan sa ilalim ng lupa
Umabot sa mahigit 3,500 ang bilang ng mga residente na namumuhay sa Coober Pedy sa katimugan ng Australya. At dahil sobrang mataas ang temperature sa lokalidad (puwedeng umabot sa 50 Celsius kung sa araw), kaya namumuhay sila sa ilalim ng lupa para makatakas sa init na ito. Mayroon din silang museo, art gallery, bar at isang hotel para sa mga turista.
3 Isla ng mga pusa
Sa islang Aoshima ng Hapon, namumuhay ang mga 120 ligaw na pusa, 6 na beses kumpara sa bilang ng mga tao. Noong una sila ay dinala sa isla, inaasahan ng mga mangingisda roon na puwedeng makatulong sila sa pagdakip ng mga daga, pero, sa kasalukuyan, sila ang naging pangunahing residenteng lokal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |