Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na di-ikinasisiya ng kanyang bansa ang paglipad ng isang eroplano ng tropang Amerikano sa South China Sea.
Tinukoy ni Hong na ang naturang aksyon ng panig Amerikano ay naging banta sa seguridad ng mga isla ng Tsina sa South China Sea, at posibleng humantong sa aksidente. Ito aniya ay lubos na di-responsable at mapanganib na aksyon, at makakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Dagdag pa ni Hong, patuloy na isasagawa ng Tsina ang mahigpit na pagmomonitor sa naturang karagatan.
Noong ika-20 ng buwang ito, isang P-8A anti-submarine and maritime surveillance aircraft ng tropang Amerikano ang lumipad sa himpapawid na malapit sa ilang isla ng Tsina sa South China Sea. Batay sa may kinalamang tuntunin, hiniling ng panig militar ng Tsina, sa pamamagitan ng radyo, sa naturang eroplanong Amerikano na umalis ng lugar na ito.
Salin: Liu Kai