Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa delegasyong Iraqi, sinabi ni Abdullah Ensour, Punong Ministro ng Jordan, na hindi nanghihimasok ang Jordan sa suliraning panloob ng Iraq, at ang pagbibigay-tulong ng Jordan sa Iraq ay naglalayong pangalagaan ang katatagan at seguridad ng bansa.
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng Palasyong Pampunong Ministro ng Jordan, sinabi nito na sa magkahiwalay na pakikipagtagpo nang araw ring iyon ni Abdullah Ensour kina Rowsch Nouri Shaways at Baha al-Alagi, dalawang Pangalawang Punong Ministro ng Iraq, ipinahayag niyang buong tatag na papanig ang Jordan sa mga mamamayang Iraqi, at kakatigan ang Iraq sa pagbibigay-dagok sa terorismo.
Salin: Li Feng