Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng International Monetary Fund (IMF), ipinalalagay ng pinakahuling pag-tasa ng IMF na noong nagdaang taon, tumaas nang malaki ang real effective exchange rate ng RMB, at hindi mababa ang pagtasa sa kasalukuyang halaga ng RMB.
Anang pahayag, isasaayos ang exchange rate ng RMB, kasabay ng pagbabago ng pundamental na aspekto. Kaugnay ng mekanismo ng exchange rate, iminungkahi ng IMF na pabilisin ng Tsina ang hakbang sa ibayo pang pagpapalawak ng pleksibilidad ng exchange rate.
Batay sa prospek ng kabuhayang Tsino, tinaya ng IMF na aabot sa 6.8% ang paglago ng kabuhayan ng Tsina sa taong ito.
Salin: Vera