|
||||||||
|
||
TINANGGAP ni Emperador Akihito kaninang umaga si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa isang welcome ceremony sa Imperial Palace.
Ayon sa Presidential Communications Operations Office, dumating si Pangulong Aquino bago sumapit ang ika-siyam at kalahati ng umaga (oras sa Japan) at tinanggap nina Emperador Akihito at Empress Michiko. Ipinakilala rin si Pangulong Aquino sa mga ministro ng pamahalaan.
Sa kanyang pagdalaw, pinasalamatan ni Emperador Akihito si Pangulong Aquino sa kanyang pagdalaw sa Japan. Pinasalamatan din naman ni Pangulong Aquino ang emperador sa kanilang kontribusyon sa relief operations at recovery ng Eastern Visayas mula sa hagupit ni "Yolanda" noong 2013.
Pinarangalan si Pangulong Aquino ng Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrystanthemum, ang pinakamataas na parangal sa sinuman mula sa Japanese monarchy.
Gonawaran naman ni Pangulong Aquino si Emperador Akihito ng Order of Lakandula na may ranggong Supremo.
Sinamahan si Pangulong Aquino ng kanyang gabinete sa apat na araw na pagdalaw sa Japan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |