"Ipagpapatuloy ng Amerika ang pakikipagkontakan sa Tsina sa hinaharap, sa kabila ng kanilang di pang nalutas na pagkakaibang palagay sa ilang larangan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Josh Ernest, Tagapagsalita ng White House bilang tugon sa mga tanong ng media hinggil sa relasyong Sino-Amerikano. Sinabi ni Ernest na isasagawa ng Amerika ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ilang larangan. Samantala aniya, hindi naman maiiwasan ang kompetisyon ng dalawang panig sa mga ibang larangan. Ito aniya'y angkop sa interes ng Amerika.