Iniharap kahapon ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay ng Pilipinas ang agarang maybisang pagbibitiw mula sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.
Napag-alamang ang resignation letter ni Binay ay dinala nang araw ring iyon ng kanyang anak na babae at Makati City Representative na si Mar-len Abigail Binay kay Executive Secretary Paquito Ochoa.
Sinabi ni Mar-len Abigail Binay na kusang-loob ang pagbibitiw ng kanyang ama, at hindi magbabago ang kanyang desisyon. Dagdag pa niya, pagod ang kanyang ama sa pagiging political punching bag, at ito ang dahilan sa kanyang pagbibitiw.
Salin: Liu Kai