Sa Washington D.C. — Binuksan kahapon ang diyalogong pangkabuhayan ng Ika-7 Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko ng Tsina at Estados Unidos. Magkahiwalay na nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas sina Wang Yang, espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping, at Pangalawang Premyer ng Tsina, at Jacob J.Lew, espesyal na kinatawan ni Pangulong Barack Obama, at Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.
Ipinahayag ni Wang na ang pagsasagawa ng diyalogong pangkabuhayan ay isang di-puwedeng-mawalang plataporma ng kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika. Ipinalabas ng taunang diyalogong pangkabuhayan ng dalawang bansa ang positibong signal sa pamilihan. Ito aniya ay nagkakaloob ng mas maraming pagkakataong komersyal para sa mga bahay-kalakal ng dalawang bansa, at binibigyan nito ng pakinabang ang kanilang mga bahay-kalakal at mamamayan.
Ipinahayag naman ni Jacob J.Lew na ang nasabing diyalogo ay nakakapagpalalim ng paguunawaan ng dalawang bansa, at nakakapagpasulong sa kanilang pragmatikong kooperasyon.
Salin: Li Feng