Sa katatapos na Ika-7 China-US Strategic and Economic Dialogue, sinang-ayunan ng Tsina at Amerika na palakasin ang kooperasyong pandagat na kinabibilangan ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa dagat, pagharap sa kalamidad sa dagat, at iba pa.
Ang mga konkretong kooperasyong narating ng Tsina at Amerika ay kinabibilangan ng pagdaraos ng diyalogo hinggil sa industriya ng pangingisda, pagpapalakas ng pagpapalitan sa pagitan ng mga ahensiya sa kaligtasang pandagat, pagpapasulong sa pagtatatag ng maritime protection zone sa Antarctica at tsunami consultation center sa South China Sea, at iba pa.
Salin: Liu Kai