Ipininid kahapon sa Washington DC ang 7th China-US Strategic and Economic Dialogue(SED).
Sinang-ayunan ng Tsina at Amerika ang patuloy na pagsasagawa ng konstruktibong kooperasyon sa isyung nuklear ng Iran, batay sa prinsipyong paggagalangan at pagkakapantay-pantay na may mutuwal na kapakinabangan.
Binigyang-diin ng dalawang panig ang kanilang komong interes sa mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng Iran sa paraang diplomatiko, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan.
Inulit din ng Tsina at Amerika ang patuloy na pagsisikap para marating ang kasunduan, sa lalong madaling panahon, hinggil sa komprehensibo at pangmatagalang paglutas sa nasabing isyu.