|
||||||||
|
||
Sa Washington D.C. — Magkasamang dumalo kahapon sina Yang Jiechi, espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi, at Kasangguni ng Estado ng Tsina, at John Forbes Kerry, espesyal na kinatawan ni Pangulong Barack Obama, at Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa Espesyal na Pulong hinggil sa Pangangalaga sa Dagat sa ilalim ng balangkas ng Ika-7 Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko ng Tsina at Amerika. Tinukoy ni Yang na dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Amerika para maging bagong growth point ang "pangangalaga sa dagat" sa kooperasyong Sino-Amerikano.
Ipinahayag ni Yang na ang dagat ay komong lupang-tinubuan ng buong sangkatauhan. Aniya, ang paggagalugad ng yaman sa dagat, pangangalaga sa seguridad sa dagat, pangangalaga sa ekolohiya ng dagat, at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng dagat, ay nangangailangan ng matapat na kooperasyon ng iba't-ibang bansa sa daigdig. Lubos na pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng pakikipagkooperasyong pandaigdig tungkol sa mga suliraning pandagat, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Kerry na sa kasalukuyan, ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng dagat, at pagsasakatuparan ng sustenableng paggagalugad sa dagat, ay nahaharap sa mahigpit na hamon. Aniya, ang pagsasagawa ng Amerika at Tsina ng kooperasyong pandagat, ay nakakabuti, hindi lamang sa dalawang bansa, kundi maging sa iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |