Lumisan ngayong araw ng Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina papunta sa Europa para dumalo sa ika-17 pulong ng mga lider ng Tsina at Unyong Europeo (EU) at magsagawa ng opisyal na pagdalaw sa Pransya.
Ang pulong ng mga lider ng Tsina at EU ay idaraos sa Punong Himpilan ng EU sa Brussels, Belgium. Sa kanyang pananatili sa Brussels, makikipagtagpo si Li kina Donald Franciszek Tusk, Presidente ng European Council, at Jean Claude Juncker, Presidente ng European Commission, para talakayin ang mga bagong paraan sa pagpapalawak ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig.
Bukod dito, magtatagpo rin sina Li at kanyang counterpart na si Charles Michel mula sa Belgium para lagdaan ang mga kasunduang pangkooperasyon ng dalawang bansa hinggil sa pinansiya, tele-communication, siyensiya, teknolohiya at edukasyon.
Sa kanyang pagdalaw sa Pransya, mag-u-usap sina Li at Manuel Valls, Punong Ministro ng Pransya, hinggil sa pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa at pagpapasulong ng pagpapalitan ng kanilang kultura.