Dumating kahapon ng hapon sa Zurich, Switzerland, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para dumalo sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) at magsagawa ng working visit sa bansang ito.
Ipinahayag ni Li na umaasa siyang magpapalitan, kasama ng mga kahalok na kinatawan ng WEF, ng mga palagay hinggil sa kabuhayang pandaigdig, kalagayang panrehiyon at pandaigdig, reporma at pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at ibang mga mainit na isyu. Ito aniya ay para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng daigdig, at pasulungin ang mabilis, balanse at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay ng relasyon ng Tsina at Switzerland, sinabi ni Li na umaasa siyang ibayo pang palalalimin ang bilateral na kooperasyon ng dalawang panig, palalawakin ang kanilang malayang kalakalan at pasusulungin ang kooperasyong pinansiyal.