|
||||||||
|
||
IPINAGUTOS ng Office of the Ombudsman ang ikalawang suspension order laban kay Mayor Jejomar Binay, Jr. at iba pang mga opisyal ng lungsod sa kanilang pagkakasangkot sa sinasabing masalimuot at illegal na pagtatayo ng Makati Science High School Building.
Sinabi ni G. Joey S. Salgado, pinuno ng media affairs ni Vice President Binay, ilang mga opisyal ng lungsod ang nakatanggap ng suspension order.
Ayon kay Atty. Claro Certeza, abogado ni Mayor Binay, mahina ang kaso sa Makati Science High School sapagkat ang construction ng gusali ay dumaan sa bidding.
Sa oras na matanggap ang suspension order, magtutungo sila sa Court of Appeals. Ilang mga supporters ni Mayor Binay ang nagsama-sama na upang ipahayag ang kanilang suporta sa kanilang punong lungsod.
Ikalawang pagkakataon na ito na naglabas ang Ombudsman ng kautusan laban sa punong-lungsod ng Makati. Noong Marso naglabas na sila ng kautusan laban kay Mayor Binay sa pagkakasangkot sa pagtatayo ng Makati City Hall Building 2. Naging dahilan ito ng stand-off kay Vice Mayor Romulo Pena na pinasumpa bilang acting mayor samantalang nag-oopisina si Binay sa kanyang tanggapan.
Naglabas ang Court of Appeals ng 60-day temporary restraining oder na pumipigil sa pagpapatupad ng suspension order.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |