Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon kay Rear Admiral Lai Chung Han, Chief of Navy ng Singapore, binigyang-diin ni Wu Shengli, Commander of the Navy of the Chinese People's Liberation Army (PLAN), na ang pagpapaunlad ng komprehensibo at sustenableng relasyong Sino-Singaporean na may pagtitiwalaan, ay may napakahalagang katuturan para sa magkasamang pagharap sa hamong panseguridad, pagpapalalim ng estratehikong nilalaman ng relasyon ng dalawang bansa at hukbo, at pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyon ng Timog Silangang Asya.
Ipinahayag naman ni Lai Chung Han, na lubos na pinahahalagahan ng Singapore ang relasyong pangkaibigan sa hukbong pandagat ng Tsina. Umaasa aniya siyang patuloy na mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang lebel at larangan para walang humpay na mapasulong ang relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng