Nag-usap kahapon sa Beijing sina Wang Yang, Pangalawang Premyer Tsino, at Caroline Atkinson, Pangalawang National Security Advisor na namamahala sa mga suliranin ng pandaigdigang kabuhayan.
Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa relasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa.
Bukod dito, kapwa nila ipinahayag na nakahandang ibayo pang palalimin ang mga kooperasyon para patingkarin ang mas mahalagang papel ng relasyong pangkabuhayan sa pangkalahatang relasyon ng dalawang bansa at matamo ang mas maraming aktuwal na bunga sa kanilang kooperasyong pangkabuhayan.