Kahapon ng umaga, local time, binuksan sa Washington DC, Amerika, ang Ika-7 China-US Strategic and Economic Dialogue at Ika-6 na China-US High-level Consultation on People-to-People Exchange.
Bilang mga espesyal na kinatawan ng mga pangulo ng dalawang bansa, dumalo at nagtalumpati sa magkasanib na seremonya ng pagbubukas ng dalawang pulong na ito sina Pangalawang Premyer Liu Yandong, Pangalawang Premyer Wang Yang, at State Councilor Yang Jiechi ng Tsina, at Secretary of State John Kerry, Pangalawang Pangulong Joseph Biden, at Secretary of the Treasury Jacob Lew ng Amerika.
Pawang binigyang-diin ng naturang mga mataas na opisyal na Tsino at Amerikano ang kahalagahan ng dalawang pulong na ito. Ipinahayag din nila ang pag-asang ibayo pang patitingkarin ang mekanismo ng dalawang pulong na ito, para pasulungin ang pagtatatag ng "new model of major-country relations" ng Tsina at Amerika, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai