Inulit kahapon ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng South China Sea ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at Amerika, at hindi rin dapat maging isyu sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Lu na natural ang pagkakaroon ng Tsina at Amerika ng pagkakaiba sa mga isyung may kinalaman sa interes ng isa't isa, pero pagdating sa bilateral na relasyon, ang kanilang kooperasyon ay mas mahalaga kaysa pagkakaiba. Dagdag niya, ang paggigiit sa diyalogo at pagpapalitan at pagkontrol sa pagkakaiba ay isang mahalagang komong palagay na unti-unting nararating ng Tsina at Amerika.
Salin: Liu Kai