Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Yang Yujun ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sinusubaybayan ng panig Tsino ang madalasang pagpapalabas kamakailan ng ilang mataas na opisyal Amerikano ng di-responsableng pananalita tungkol sa isyu ng South China Sea. Aniya, buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagsusulsol ng Estados Unidos sa relasyon sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa nito sa SCS. Ipinahayag aniya ng Tsina ang lubos na pagkabahala sa pagpapasulong ng panig Amerikano ng militarisasyon sa nasabing karagatan.
Sinabi ni Yang na maraming beses na ipinaliwanag ng panig Tsino ang patakaran at paninindigan sa isyu ng South China Sea. Dagdag niya, paulit-ulit na inilahad ng panig Tsino ang layon at pagkakagamit ng konstruksyon nito sa Nansha Islands. Ang konstruksyong ito aniya ay nakakatulong sa mas mainam na pagsasakatuparan ng panig Tsino ng responsibilidad at obligasyong pandaigdig. Nakakatulong pa ito sa pangangalaga sa seguridad ng paglalayag sa rehiyong ito, at umaaangkop sa mahigpit na pamantayan at kahilingan sa pangangalaga sa kapaligiran.
Salin: Li Feng