Inilathala kahapon ng pahayagang "The New York Times" ang isang liham na sinulat ni Tagapagsalita Zhu Haiquan ng Embahadang Tsino sa Estados Unidos, para sa pahayagang ito. Sa liham, ipinaliwanag ni Zhu ang prinsipyo at paninindigan ng panig Tsino hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS), at pinuna rin niya ang tamang pananalita ng may-kinalamang editoriyal ng nasabing pahayagan.
Unang una, tinukoy ni Zhu na ang opinyon ng editoriyal ng "The NewYork Times" tungkol sa pagharap ng Pilipinas ng arbitrasyon sa SCS ay "di-makatuwiran."
Ipinahayag niya na sa mula't mula pa'y pinananatili ng Tsina ang napakalaking pagtitimpi sa isyu ng South China Sea. Aniya, ang Tsina ay hindi unang bansang nagsagawa ng reklamasyon sa karagatang ito. Ang kalagayan ng SCS ay maagang nasira ng ilang claimant country na gaya ng Pilipinas, at itinatayo nila ang iba't-ibang uri ng instalasyong kinabibilangan ng mga instalasyong militar, sa mga islang nasaloob ng soberanya ang Tsina.
Dagdag pa niya, palagiang iginigiit ng Tsina ang paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng direktang diyalogo, at bukas pa rin ang pinto ng diyalogo ng panig Tsino.
Salin: Li Feng