Dahil ng tradisyonal na panahon ng pag-ulan at epekto ng Cyclone Komen mula sa Bay of Bengal noong isang linggo, nasalanta ng napakalaking baha ang maraming lugar ng Myanmar. 47 katao ang namatay dito, at halos 210 libong mamamyan ang naapektuhan.
Nanawagan kahapon si Ye Htut, Ministro ng Impormasyon at Tagapagsalita ng Palasyong Pampangulo ng Myanmar, sa komunidad ng daigdig na magbigay-tulong sa rekonstruksyon ng mga apektadong mamamayan ng kanilang tahanan.
Dumating kahapon, local time, sa Myanmar ang Blue Sky Rescue Team ng Tsina, para isagawa ang gawaing panaklolo sa Estadong Rakhine, lugar na pinakagrabeng naapektuhan ng baha.
Salin: Vera