Sa kanyang pagdalo kahapon sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia, iniharap ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang tatlong (3) mungkahi para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Ang nasabing 3 mungkahi ay kinabibilangan ng una, dapat ipangako ng mga bansa sa rehiyon ng SCS na komprehensibo at mabisang isakatuparan ang "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC)," at dapat ding pabilisin ang pagsasanggunian hinggil sa "Code of Conduct in the South China Sea"; ikalawa, Dapat ipangako ng mga bansa sa labas ng rehiyong ito na katigan ang nasabing pagsisikap ng mga may-kinalamang bansa, at hindi isasagawa ang aksyong magpapaigting at magpapasalimuot sa situwasyong panrehiyon; ikatlo, dapat ipangako ng iba't-ibang bansa na alinsunod sa pandaigdigang batas, isagawa at pangalagaan ang kalayaan ng paglalayag at paglilipad sa SCS.
Salin: Li Feng