|
||||||||
|
||
Sa Kuala Lumpur — Sa kanyang pagdalo sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, ipinahayag kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na upang maitatag ang mas mahigpit na komunidad ng kapalaran ng Tsina at ASEAN, iniharap ng panig Tsino ang sampung (10) bagong mungkahi para ibayo pang mapalalim ang kooperasyong Sino-ASEAN.
Ang mga mungkahi ay sumusunod: Una, iplano nang mabuti ang selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pangdiyalogo ng Tsina at ASEAN, at itakda ang taong 2016 bilang "Taon ng Pagpapalitan ng Edukasyon ng Tsina at ASEAN."
Ikalawa, tapusin ang pagbalangkas ng "Magkakasanib na Plano ng Aksyon sa Pagsasakatuparan ng Estratehikong Partnership ng Tsina at ASEAN sa Harap ng Kapayapaan at Kasaganaan mula 2016 hanggang 2020."
Ikatlo, itatag ang working group para talakayin ang "Kasunduang Pangkooperasyon at Pangkaibigan ng Tsina at ASEAN."
Ikaapat, isagawa ang kooperasyong Sino-ASEAN sa larangan ng pandaigdigang kakayahan ng produksyon para maging mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Ikalima, malalimang pasulungin ang pag-uugnayan ng Tsina at ASEAN.
Ikaanim, itaguyod nang mainam ang "Taon ng Kooperasyong Pandagat ng Tsina at ASEAN."
Ikapito, magkakasamang pasulungin ang pag-unlad sa rehiyong ito, at pasimulan ang mekanismo ng diyalogo at kooperasyon sa Lantsang at Mekong River.
Ikawalo, lagdaan ang protocol ng "Kasunduan ng Rehiyong Walang Sandatang Nuklear sa Timog Silangang Asya."
Ikasiyam, palakasin ang kooperasyong Sino-ASEAN sa suliraning pandepensa at panseguridad.
Ikasampu, magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at maayos na hawakan ang hidwaan ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |