Nagsadya kamakalawa ang mga manggagawa ng Embahadang Tsino sa Myanmar na pinamumunuan ni Embahador Hong Liang sa lalawigang Sagaing at Rakhine ng Myanmar, dalawang sinalantang rehiyon ng baha, at nagbigay sila ng makataong materiyal sa mga lokal na mamamayan.
Samantala, pagkaraang maganap ang malubhang baha sa Myanmar, aktibong nakikisangkot ang mga bahay-kalalal na Tsino na nandoon sa aksyong panaklolo.
Nitong ilang araw na nakalipas, apektado ng baha ang 12 lalawigan ng Myanmar. Sa kasalukuyan, di-kukulangin sa 47 katao ang kumpirmadong nasawi. Lumampas sa 200,000 ang bilang ng sinalantang mamamayan ng baha sa buong bansa.