Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaang Tsino, muling inutos ang buong-sikap na paghawak sa mga isyu pagkaraan ng pagsabog sa Tianjin

(GMT+08:00) 2015-08-21 16:15:36       CRI

Sa regular na pulong ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, muling inutos ni Premyer Li Keqiang sa lahat ng mga may-kinalamang departamento na buong-sikap na hawakan ang mga sumusunod na isyu pagkaraan ng malalakas na pagsabog sa Tianjin, siyudad sa baybaying-dagat sa dakong hilga ng Tsina.

Ani Li, una, dapat patuloy na hanapin ang mga nawawalang tao at gamutin ang mga sugatan.

Ikalawa, kailangang maayos na hawakan ang mga nakakalasong kemikal at pahigpitin ang pagmomonitor sa kalidad ng lupa, tubig at hangin.

Ikatlo, buong-sikap na pangalagaan ang dignidad ng mga nasawi, alalahanin ang kamag-anakan ng mga nasawi at bigyan ng makatwirang kompensasyon ang mga apektadong mamamayan.

Ikalima, sinabi pa ni Li na dapat tumpak na ayusin ang pamumuhay ng mga apektadong mamamayan na kinabibilangan ng pagpasok sa trabaho ng mga trabahador at pagpasok sa kindergarten at paaralan ng mga bata.

Ikaanim, lagumin ang aral sa insidenteng ito at buong-sikap na tiyakin ang workplace safety.

Noong gabi ng ika-12 ng buwang ito, dalawang malakas na pagsabog sa imbakan ng mga delikadong kemikal na kinabibilangan ng humigit-kumulang 700 toneladang sodium cyanide ang yumanig sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina.

Sandaa't labing-apat (114) katao ang namatay, at 69 na iba pa ang nawawala.

Samantala, 648 ang ginagamot pa rin sa ospital at 53 sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan.

Inaalis ng mga rescuer ang mga nasirang imported car malapit sa sentro ng pagsabog. Larawang kinunan noong Aug. 20, 2015. (Xinhua/Yin Dongxun)

Tagapagsalin/editor: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>