Sa Beijing — Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na tungkol sa kaso ng arbitrasyon na unilateral na iniharap ng panig Pilipino sa South China Sea (SCS), paulit-ulit na ipinahayag ng panig Tsino ang paninindigan nitong hindi tatanggapin at hindi lalahukan ang nasabing proseso. Aniya, ang paninindigan ng panig Tsino ay may sapat na batayan ng pandaigdigang batas, at hindi ito nagbabago.
Tinukoy ni Hua na taliwas ang panig Pilipino sa komong palagay na maraming beses na tiniyak nila ng panig Tsino, at lumabag din ang bansang ito sa pangako nito sa "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea." Binabalewala aniya ng panig Pilipino na ang nukleo ng hidwaan ng Tsina at Pilipinas sa SCS ay kanilang alitan sa soberanya ng teritoryo at karapatan at interes ng dagat, at unilateral nitong iniharap ang hidwaang ito sa arbitrasyon. Ani Hua, ito ay lumalabag sa pandaigdigang batas at grabeng naglalapastangan sa lehitimong karapatan ng Tsina bilang isang soberanong bansa at signatoryong bansa ng nasabing deklarasyon.
Dagdag pa niya, ang unilateral na pagharap at lantarang pagpapasulong ng panig Pilipino ng arbitrasyong ito, ay hindi makakakuha ng anumang bisa, at nakakapinsala rin ito kaayusan ng pandaigdigang batas ng dagat.
Salin: Li Feng