"Positibo si Pangulo Barack Obama sa gagawing pagdalaw ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina sa Amerika." Ito ang ipinahayag kahapon ni Josh Ernest, Tagapagsalita ng White House bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Scott Walker, Gobernador ng State of Wisconsin at kandidato sa pagka-pangulong Amerikano hinggil sa posibilidad na makansela ang pagbisita ng Pangulong Tsino.
Sinabi ni Ernest na positibo ang Pangulong Amerikano sa pakikipagkontakan sa Tsina, dahil, ito ay makakatulong sa pangangalaga at pagpapalawak ng interes ng Amerika sa buong daigdig.
Samantala, pinuna ng opinyong pampubliko ang pananalita ni Scott Ernest.