Ipinahayag kahapon ni Colin Powell, dating Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang Tsina ay hindi magiging bantang militar sa Amerika, dahil ito ay hindi angkop sa interes ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa American Library of Congress nang araw ring iyon, sinabi ni Powell na ang relasyong Amerikano-Sino ay pinakamahalagang bilateral na relasyon sa kasalukuyang daigdig. Dapat aniyang palakasin ng Amerika ang pakikipagkooperasyon sa Tsina para mabawasan ang pagkakaiba ng dalawang panig.
Dagdag pa niya, nnakakagulat ang bilis ng pag-unlad ng Tsina nitong 40 taong nakalipas, at dapat panatilihin ng Amerika ang mainam na relasyon sa Tsina.
Sa paanyaya ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Amerika sa darating na Setyembre.
Salin: Li Feng