Ipinahayag kahapon sa Washington ni John Kirby, Tagapagsalita ng Departamento ng Estado ng Amerika ang pagpapahalaga sa gagawing pagdalaw ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina sa kanyang bansa. Aniya, magsisikap ang Amerika, kasama ng Tsina para maigarantiya ang pagtagumpay ng usaping ito.
Samantala, kinumpirma rin ni Kirby ang pagdalo ni Max Baucus, Embahador na Amerikano sa Tsina, bilang sugo ni Pangulo Barack Obama, sa seremonya ng paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtagumpay ng Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression, na idaraos sa ika-3 ng Setyembre, sa Beijing.