Noong ika-28 ng buwang ito, idinaos ng mga kinauukulang departamento ng pamahalaan ng Biyetnam ang news briefing hingil sa kapasiyahan ng pagbibigay ng amnestiya ng pangulo ng Biyetnam sa taong 2015. Bibigyan ng bansang ito ng amnestiya sa mahigit 18 libong kriminal. Ang naturang mga kriminal ay kinabibilangan ng mga nabibilanggo, mga may probasyon, mga taong nasa pansamantalang pagtigil ng pagpapatupad ng parusahang kriminal.
Sinabi ng pirmihang pangalawang direktor ng tanggapang pampanguluhan ng Biyetnam na ang kasalukuyang amnestiya ay isinasagawa sa bisperas ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng August Revolution ng Biyetnam at National Day. Muling nagpapakita ito ng mapagbigay na patakaran ng Partido Komunista ng Biyetnam at bansa, at makataong tradisyon ng Nasyong Biyetnames sa mga kriminal.
Salin: Vera