Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas mababang bilang ng krimen ngayong 2015

(GMT+08:00) 2015-09-02 18:01:37       CRI

BUMABA ANG BILANG NG KRIMEN NGAYONG 2015.  Niliwanag ni PNP Spokesman C/Supt. Wilben M. Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police na nabawasan ng may 15% ang bilang ng mga krimen mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2015.  Bagaman, bahagyang tumaas ang homicide, rape, carnapping at mga paglabag sa mga espesyal na batas.  (Melo M. Acuna)

IPINALIWANAG ng Philippine National Police na mas mababa ang bilang ng mga krimeng naitala ngayong 2015 kaysa noong nakalipas na mga taon.

Sa isang panayam, sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police na bumaba ang index at non-index crime sa unang anim na buwan ng 2015. Kung ihahambing ang datos mula sa Research and Analysis Division ng Directorate for Investigation and Detective Management, umabot ang total crime volume sa 509,924 mula Enero hanggang Hunyo ng 2015 at mas mababa sa total crime volume na 602,449 na naitala mula Enero hanggang Hunyo ng 2014.

Kinatagpuan ito ng 15.36% decrease, dagdag pa ni Chief Supt. Mayor. Ang datos na ito ay mula sa police blotter, barangay blotter at reports mula sa iba pang law enforcement agencies.

Sa Metro Manila naganap ang pinakamaraming krimen na umabot sa 116,347 samantalang sa ARMM naman nabalita ang pinakamababang bilang ng krimen na 2,096.

Umabot sa 206,386 ang index crime incidents na siyang 40.47% ng total crime volume. Pinakamarami ang physical injuries na umabot sa 50.70% o 104,638 incidents na sinundan ng pagnanakaw na 29.9% o 61,064 incidents, robbery naman ang pangatlo sa 9.13% at nagkaroon ng 18,846 incidents. Carnapping naman ay 3.51% sa pagkakaroon ng 6,491 incidents, panghahalay o rape na mayroong 2.12% sa 5,415 incidents, murder na nagkaroon ng 2.35% at 4,845 na insidente, Homicide na 2.12% at 4,371 incidents samantalang pagnanakaw ng mga alagang hayop, baka man o kalabaw ay 0.35% sa pagkakaroon ng 718 insidente.

Nagkaroon umano ng bahagyang pagtaas sa bilang ng homicide, rape, carnapping at paglabag sa ilang special laws, dagdag pa ni Chief Supt. Mayor.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>