Sa isang pahayag na ipinalabas kagabi (local time) ng White House, ipinagdiinan nitong ang gagawing biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Estados Unidos ay magiging "pagkakataon" para sa pagpapalawak ng kooperasyong Sino-Amerikano.
Sa naturang pahayag, sinabi ng White House na sa gagawing kauna-unahang dalaw-pang-estado ni Xi sa Amerika, pormal siyang bibiyahe sa White House sa ika-25 ng buwang ito.
Ipinahayag kamakailan ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na ang komong pangangailangan at kapakanan ng Tsina at Amerika ay malinaw na mas malaki kaysa pagkakaiba ng dalawang panig. Aniya, kung pabubutihin ng dalawang bansa ang kanilang kooperasyon at kokontrolin nang mainam ang kanilang pagkakaiba, mapapanatili ang malusog, matatag, at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Li Feng