Nang kapanayamin kamakailan ng mga Chinese media, isinalaysay ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, ang mga katuturan, layunin, at inaasahan ng gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Amerika, at pagdalo niya sa pulong bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng United Nations.
Sinabi ni Yang na ang pagdalaw ni Xi sa Amerika ay naglalayong ibayo pang palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika, palawakin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at pasulungin pa ang relasyong Sino-Amerikano.
Kaugnay naman ng pagdalo ni Xi sa mga aktibidad ng UN, sinabi ni Yang na ilalahad ng pangulong Tsino ang mga patakaran at mungkahi ng kanyang bansa sa pandaigdig na kaayusan at relasyon, at ipapakita ang mahalagang ambag ng Tsina para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Liu Kai