Isinapubliko ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na "Historical Witness to Ethnic Equality, Unity and Development in Xinjiang."
May halos 22 libong salita ang white paper. Bukod sa foreword at closing, mayroong itong 9 na bahaging kinabibilangan ng pagsasagawa ng regional national autonomy system, paggigiit ng pagkakapantay-pantay at pagkakaisa ng nasyonalidad, walang humpay na pagpapatibay ng pundasyon ng pag-unlad, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad, pagpapasulong ng kasaganaan ng usaping pangkultura, pangangalaga sa harmony at katatagang panlipunan alinsunod sa batas, paggalang at pangangalaga sa freedom ng religious belief, pagkatig at pagbibigay-tulong ng bansa sa Xinjiang, at iba pa.
Tinukoy ng white paper na ang pag-unlad ng Xinjiang ay dakilang bunga ng magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng Xinjiang. Ito rin anito ay tagumpay na praktis ng regional national autonomy system sa Xinjiang.
Salin: Li Feng