Idinaos kahapon sa Beijing ang pambansang pulong para pag-aralan ang pagkakaloob ng mga programang pangkaunlaran sa Rehiyong Awtonomo ng lahing Uygur ng Xinjiang ng Tsina at panatilihin ang katatagang panlipunan at pangmatagalang kaayusan ng lugar na ito.
Sinabi ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng Tsina, na ang mga programang pangkaunlaran ay naglalayong dagdagan ang pagkakataon ng hanap-buhay, pataasin ang lebel ng edukasyon at imprastruktura, at pahigpitin ang kakayahan sa paglaban sa terorismo.
Sinabi naman niyang dapat pahigpitin ang pagkakaisa at mapayapang pakikipagpamuhayan sa iba't ibang lahi ng mga mamamayang lokal.
Dumalo rin sa pulong na ito si Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer Tsino. Sinabi niyang dapat ibayo pang mapawi ang kahirapan sa Xinjiang.