|
||||||||
|
||
SINIMULAN ni Vice President Jejomar C. Binay ang pagdalaw sa mataong lalawigan ng Cebu sa pagtitipon ng mga kasapi ng United Nationalist Alliance ilang araw bago sumapit ang filing ng kanilang certificates of candidacy.
Kasama ng pangalawang pangulo ang kanyang maybahay na si Dr. Elenita Binay sa pagtading sa Cebu Coliseum pasado ika-sampu ng umaga.
Hindi nakasama ang kanyang running mate na si Senador Gregorio "Gring" Honasan. Tatlo sa mga kandidato sa pagkasenador ang dumating. Sina Princess Jacel Kiram, dating artistang si Alma Moreno at University of the Philippines professor at abogadong si Harry Roque ang dumalo sa pagtitipon.
Naroon din si Senador Nancy Binay, UNA treasurer Gary Teves at Secretary General JV Bautista.
Sarado ang mga lansangan sa paligid ng Cebu Coliseum simula ika-anim ng umaga.
Ang Cebu amy may voting population na aabot sa dalawang milyon. Nagpakalat din ng mga t-shirt, pamaypay at mga sombrero sa mga dumalo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |