Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Halalan sa susunod na taon, ipinagtatanong kung malinis nga ba

(GMT+08:00) 2015-11-02 19:02:44       CRI

HANGGANG sa mga oras na ito ay paksa pa rin ng mga talakayan kung magiging malinis ang susunod na halalan sa Mayo 2016. Sa idinas na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na mayroong sapat na alituntunin upang matiyak na magiging malinis ang halalan.

Sa panig ni Dr. Arwin Serrano ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, naniniwala siyang sapat ang mga programa ng Commission on Elections upang manaig ang hatol ng mga mamamayan. Mananatiling mapag-bantay ang kanilang samahan sa mga magaganap sa halalan.

Ipinagtatanong ni Fr. Atilano Fajardo ng Archdiocese of Manila Public Affairs Office kung mapipigilan na ba ang mga naganap na sistema ng pagbilang sa mga boto ng mamamayan sapagkat naniniwala siyang mataas naman ang pinag-aralan ng mga botante kaya nga lamang sa sistema ng pagbilang ng boto nagkakaproblema.

Para naman kay dating Congressman Glenn Chiong, hanggang hindi nasasagot ang katanungan niya at ng kanyang mga kasama, hindi siya naniniwalang malinis ang darating na halalan. Ipinaliwanag niyang mahiwaga ang kinalabasan ng halalan noong 2010 at maging noong 2013 kaya't hindi siya naniniwalang malinis ang magaganap na halalan.

Sa katanungan ng mga mamamahayag sa usaping kinakaharap ni Senador Grace Poe, sinabi ni Atty. Macalintal na maaaring magtagal ang usapin sa Commission on Elections hanggang sa darating na Disyembre at kung anoman ang maging desisyon sa disqualification case ay makararating pa hanggang sa Korte Suprema.

Sa oras na magwagi si Senador Grace Poe at mapatunayang hindi nga kwalipikado ang mambabatas na tumakbo sa panguluhan ang ikalawang nangunang kandidato sa pagka-pangulo ang mauupo at hindi ang pangalawang pangulo ng bansa.

Sa tanong kung papayagan ba ang mga may rehistro subalit walang biometric profile sa ilalim ng No Bio, No Boto, sinabi ni Atty. Macalintal na obligasyon ng Commission on Elections na ipatupad ang batas samantalang tumatalima naman ang mga mamamayan. Unang lumabas na walang kakayahan ang Commission on Elections na ipatupad ang batas sa pamamagitan ng mga kagamitang makakaalam kung tugma ang biometrics sa makukuha sa polling precint.

Ipinaliwanag ni Fr. Fajardo an hindi niya maunawaan kung bakit biglang dumami ang bumoto kay Senador Grace Poe sa Transparency server ng Comission on Elections at sa kanilang pagpuna ay nagpulong ang mga taga-Smartmatic at pagkatapos ng oras ay bumagal na ang pasok ng mga boto sa mga kandidatong pagkasenador.

Sa likod ng mga balitang tatakbo si Atty. Macalintal sa halalan sa susunod na taon, sinabi ng abogado na masusing pinag-aralan ng kanyang pamilya ang bagay na ito at napagkaisahan nilang huwag na lamang kumandidato

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>