Sa Kuala Lumpur — Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay Chang Wanquan, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sinabi ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia, na sa kasalukuyan, madalas ang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa. Nagsisikap aniya ang dalawang panig para mapalakas ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't-ibang larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, pinansya, at kultura. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng iba't-ibang bansang ASEAN ay depende sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at magsisikap ang kanyang bansa na pasulungin ang konstruksyon ng rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon.
Sinabi naman ni Chang na nakahanda ang panig Tsino na aktibong isakatuparan kasama ng panig Malay, ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa. Palalalimin aniya ng Tsina ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Malaysia sa iba't-ibang larangan at lebel para mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.