Ipinalabas ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping na dumadalaw sa Biyetnam ang artikulo sa pahayagang《Nhan Dan》na may pamagat na : Magkakasamang paglilikha ng magandang kinabukasan ng relasyon ng Tsina at Biyetnam.
Sa artikulo, ipinahayag ni Xi na sa bagong yugto, patuloy na magtutulungan at kakatigan ng Tsina at Biyetnam ang isa't isa. Sa kasalukuyan, masagana ang nilalaman ng bilateral na relasyon ng Tsina at Biyetnam, malawak ang komong interes ng dalawang panig at marami ang bunga ng kooperasyon. Itinatag ng Tsina at Biyetnam ang komprehensibong estratehikong partnership, binuo ang maraming mekanismong pangkooperasyon, malinaw ang epekto ng kooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan at kalakalan, kultura at iba pang larangan. Ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Biyetnam noong nakaraang 11 taon at ang Biyetnam ay ikalawang malaking trade partner ng Tsina. Ang naturang mga bunga ay lubos na nagpapakita na ang pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Biyetnam ay umangkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang panig, ito ay makakabuti sa kapayapaan at kasaganaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah