Inilabas ngayong araw sa Hanoi, Biyetnam, ang edisyon ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China" sa wikang Biyetnames.
Sa seremonya ng paglalabas ng aklat, ipinahayag ni Hong Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Biyetnam, ang pag-asang sa pamamagitan ng edisyong ito, mas malalaman ng mga mamamayang Biyetnames ang kasalukuyang kalagayan ng Tsina, palalalimin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam, at ibayo pang pasusulungin ang komprehensibo, estratehiko, at koopratibong relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai