Dumating kahapon sa Hanoi si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Biyetnam. Sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, lubusan ngayong sinusubaybayan ng media ng Biyetnam ang biyahe ng Pangulong Tsino.
Ayon sa mga pahayagang Nhan Dan, at Quan Doi Nhan Dan, napanumbalik sa normal ang relasyon ng Tsina at Biyetnam,noong taong 1991. Sa kabila ng mga kinakaharap na kahirapan at hamon, nananatili pa ring mabilis ang pag-unlad ng bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Anila, ito ay nagbibigay-ginhawa sa relasyon ng dalawang panig. Ang kasalukuyang pagdalaw ng Pangulong Tsino ay may mahalagang katuturan sa pagtutulungan ng dalawang bansa, anila pa.
Ipinahayag din ng Vioce of Vietnam (VOV) na ipinakikita ng pagbisita ng Pangulong Tsino ang komong mithiin ng Tsina at Biyetnam sa pagpapahigpit ng pagpapalitan sa pagitan ng dalawang partido at pamahalaan. Ito ay makakatulong sa ibayo pang pagpapatibay sa tradisyonal na mapagkaibigang relasyon, pagpapasulong ng pagtutulungan, at paglutas sa mga problema, dagdag ng VOV.
Ayon pa sa ulat, nakipag-usap ang Pangulong Tsino sa mga lider Biyetnames. Samantala, bibigkas ng talumpati si Pangulong Xi sa Parliamentong Biyetnames, at haharap din siya sa pagtitipong inihanda ng mga kabataan at personahe mula sa ibat-ibang sektor ng Tsina at Biyetnam.