|
||||||||
|
||
Nag-usap ngayong araw sa Singapore sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.
Sinabi ni Xi na isang mahalagang desisyon ang pagtatakda ng Tsina at Singapore ng kanilang relasyon bilang "partnership of all-round cooperation keeping with the times." Para rito aniya, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan, at pasulungin ang people-to-people exchanges.
Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, na palakasin ang estratehikong diyalogo, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig. Inaasahan niya ang ibayo pang pagpapatingkad ng positibong papel sa aspektong ito ng Singapore, bilang bansang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN.
Ipinahayag naman ni Lee na sa kasalukuyang biyahe ni Pangulong Xi sa Singapore, natamo ng dalawang bansa ang mga bunga na gaya ng pagpapataas ng lebel ng kanilang relasyon, pagsisimula ng talastasan hinggil sa pag-uupgrade ng Free Trade Agreement, at paglalagda sa mga kasunduan sa mga malaking proyektong pangkooperasyon. Ang mga ito aniya ay nagpapakita ng lubos na pananalig ng Singapore sa pag-unlad ng Tsina.
Sinabi rin ni Lee na kinakatigan ng Singapore ang pagpapalalim ng relasyong Sino-ASEAN, at umaasa rin itong palalakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning pandaigdig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |